top of page

SPORTS TRIVIA: Tagumpay sa Larangan ng Chess

  • Writer: theoraclejourn
    theoraclejourn
  • May 10
  • 1 min read

Report by Heziel Ann Pugoy | Layout by Angel Chogyomon


Alam mo ba na ang Pilipinas ay mayroon nang world champion sa larangan ng chess? Ito ay si Eugene Torre, isa sa ipinagmamalaki ng mga Pilipino pagdating sa larangang ito. Siya ang kauna-unahang Southeast Asian na nakamit ang titulo ng International Grandmaster sa chess, na nakuha niya noong taong 1974 sa edad na 22.


Si Eugene Torre ay isang tanyag na personalidad sa mundo ng chess. Ipinanganak siya noong Nobyembre 4, 1951, sa Iloilo City. Labimpitong taong gulang lamang siya noong siya ay makalaro sa Olympics. Hindi lamang siya kilala sa Pilipinas, kundi pati na rin sa buong mundo dahil sa kanyang husay at talino sa larangan ng chess.


Siya rin ang kauna-unahang asiyano na nakatalo sa reigning world champion na si Anatoly Karpov noong taong 1976. Napabilang din siya sa top 20 ng World ranking taong 1983.


Bukod sa pagkamit ng titulong Grandmaster, maraming beses na ring naipamalas ni Torre ang kanyang galing sa iba't ibang Chess Olympiad. Lumahok siya ng 23 Chess Olympiads mula 1970 hanggang 2016, at hawak niya ang rekord bilang manlalarong may pinakamaraming laban sa kasaysayan ng kompetisyong ito.


Itinayo niya rin ang Eugene Torre Chess Foundation at ang Eugene Torre Chess Center na tuklasin at linangin ang mga talento ng mga Pilipino sa larangan ng chess.


Hanggang sa kasalukuyan ay aktibo pa rin si Eugene Torre sa paglalaro ng ahedres. Patuloy siyang nagbibigay inspirasyon at suporta sa mga bagong henerasyon ng mga manlalaro. Ang kanyang mga tagumpay ay mananatiling bahagi ng makasaysayang yaman ng larangan ng isports sa Pilipinas.

 
 
 

Comentários


bottom of page