top of page
Writer's picturetheoraclejourn

๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด โ€œ๐—ž๐—”๐—ช๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—ถ๐—ต๐—ฎ๐—ปโ€ n๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ด k๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ k๐—ฎ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ผ ๐—ž๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ป

Isinulat ni Mandie Asejo | Mga larawang kuha ni JM Magday


Sa ilalim ng temang โ€œKAWAYANihan: Mula sa Kawayan, Likha ng Pamayanan pang Kabuhayan,โ€ nagbigay liwanag at inspirasyon ang programang isinagawa ng Bachelor of Arts in Communication 2-2 Eve sa Sitio Malasa, Bamban, Tarlac. Ang inisyatibong ito ay nagbigay hindi lamang ng kaalaman kundi pati pag-asa sa mga Aeta ng lugar sa pamamagitan ng malikhaing paglinang sa kawayan bilang isang kabuhayan.


Pagbabalik-Tanaw sa Kultura

Isa sa mga pinakatampok na bahagi ng programa ang pagtatanghal ng mga Aeta, kung saan ibinahagi nila ang kwento ng kanilang kasaysayan at kultura. Sa pamamagitan ng isang sayaw na sumasalamin sa pamumuhay ng kanilang mga ninuno, naipakita nila ang lalim ng kanilang tradisyon.


Sinundan ito ng isang dula na naglalahad ng kanilang karanasan bago at matapos ang pagsabog ng Mount Pinatubo. Si Nanay Nena, asawa ng chieftain, ang nagsilbing tagapagsalaysay. Sa kanyang mga mata, mababanaag ang bigat ng kanilang pinagdaanan, ngunit kasabay nito ang saya at pasasalamat sa kanilang muling pagbangon.


Ang kwento ng mga Aeta ay hindi lamang nag-iwan ng inspirasyon kundi nagbigay din ng mas malalim na pag-unawa sa kanilang katatagan bilang isang komunidad. Ang kanilang pagtatanghal ay paalala na ang bawat tradisyon at kasaysayan ay mahalagang bahagi ng pagkakakilanlan ng isang pamayanan.


Ang Lakas ng Kawayan


Naging makabuluhan ang talakayan ni Leanne Julian tungkol sa kawayan bilang isang mahalagang yaman ng kalikasan. Ipinaliwanag niya kung gaano kabilis tumubo ang kawayan, ang tibay nito, at ang ibaโ€™t ibang produktong maaaring malikha mula rito. Kasama sa kanyang presentasyon ang pagpapakita ng mga halimbawa tulad ng heat pad, paso, pen holder, at alkansya. Ang kaalamang ito ay nagbigay ng bagong pananaw sa mga residente sa potensyal ng kawayan bilang kabuhayan.


Ang kaalaman ay agad na naisasagawa sa mismong workshop, kung saan ginabayan ng mga mag-aaral ang mga residente sa paggawa ng ibaโ€™t ibang produkto. Gayunpaman, labis na ikinagulat ng lahat ang likas na husay ng mga Aeta. Sa sandaling makita nila ang mga halimbawa, agad nilang naperpekto ang proseso, na nagpamalas ng kanilang kahusayan at malikhaing pag-iisip. Ang tagpong ito ay patunay ng kakayahan ng pamayanan na tuklasin at umangkop sa mga bagong oportunidad.


Himig, Sayaw, at Pagkakaisa

Upang masiguro ang aktibong pakikilahok ng mga residente, ipinakita ng mga mag-aaral ang kanilang Public Service Announcement (PSA) at jingle. Hindi lamang ito basta ipinakilalaโ€”ang jingle ay sinamahan ng masiglang sayaw na nagbigay-daan sa pakikiisa ng lahat sa makulay at masayang pagtatanghal. Ang kombinasyon ng musika at galaw ay nagbigay sigla sa programa, na nagsilbing simbolo ng pagkakaisa sa pagitan ng mga mag-aaral at ng pamayanan.


Sa gitna ng kasiyahan, nanatiling buhay ang layunin ng programa: ang pagtutulungan upang palakasin ang kabuhayan at panatilihing buhay ang tradisyon ng pamayanan. Ang araw ay hindi lamang tungkol sa kawayan kundi tungkol din sa lakas ng pagkakaisa na nagbigay-sigla sa bawat bahagi ng aktibidad. Ang โ€œKAWAYANihanโ€ ay naging sagisag ng sama-samang pagkilos, naghatid ng inspirasyon, at nagbigay-daan sa mas matibay na ugnayan at pag-asa para sa kinabukasan ng pamayanan.

Comments


bottom of page