top of page

Ginto para sa Pilipinas; Ellis, namayagpag sa 2025 European Triathlon Junior Cup

  • Writer: theoraclejourn
    theoraclejourn
  • Aug 21
  • 2 min read
ree

Report by Ken Tipay | Layout by Nikka Gutierrez


Nanaig ang galing ng atletang Pilipino matapos mapagtagumpayang masungkit ng isang Philippine Triathlete na si Kira Ellis ang gintong medalya mula sa katatapos na 2025 Europe Triathlon Junior Cup, na ginanap sa Riga, Latvia.


Nangibabaw si Ellis sa Junior Women division category matapos magtala ng total time na 1:05:07 oras, daan upang nakasampa sa podium spot at maiuwi ang gintong medalya.


Malinis na natapos ng labinwalong taong gulang na si Ellis ang 750m swim, 22km bike, at 5.1km run.


Samantala, ayon naman sa facebook post ni Ellis, malugod ito at muling nakabalik muli sa palakasan ng pagtakbo.


“I was just happy to be back on the start line after not racing for a while. There were definitely a lot of low moments, but also so many lessons that helped me grow as an athlete,” ani Ellis.
“This race will always be a special memory for me. Riga, you truly have my heart, what a race,” dagdag pa nito.

Nagpasalamat din si Ellis sa mga sumuporta partikular na sa isponsors upang muling makalahok sa pangunahin at huling pagsali nito sa Junior Cup sa taong ito, kabilang dito ay ang Philippine Sports Commission (PSC) at Triathlon Association of the Philippines.


Sa kabilang banda, ang mga atletang sina Luca Vanderbruggen ng Belgium naman ay nakakuha ng pilak na medalya sa oras na 1:05:17, at Sarah Walter ng Germany na nagkamit ng tansong medalya sa loob ng 1:05:22 oras.


Nasiyahan din ang Ina at tumatayong Coach nito na si Doray Ellis dahil sa makasaysayang pagkapanalo ng anak.


"You did it! I'm so proud of you my Kiraputs," ani Coach Ellis mula sa kanyang facebook story post.

Si Ellis lamang ang natatanging Atleta na nagmula sa Asian Countries na nakilahok at nagtagumpay mula sa patimpalak na ito.

 
 
 

Comments


bottom of page