๐ฃ๐ฎ๐๐ถ ๐ฃ๐ฎ๐๐ผ: ๐ก๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฎ๐น๐ฎ๐ฏ ๐ป๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด-๐ถ๐ฏ๐ถ๐ด ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ
- theoraclejourn
- Feb 27
- 3 min read

Report by: Cenon Pineda | Graphics by: Angel Chogyomon | Layout by: Mary Ruth Orendain
Ang malawak na espasyo na nakalapat sa mundo ng palakasan ay di lamang naka sentro sa katawan at disiplina. Madalas ang pagsubok na gumuguho sa isang atleta ay nasa pinagdadaanan din nila dahil sa pagmamahal. Subalit sa gitna ng lahat tila ba ang buhay ng isang atleta ay isang sugal na pati pato handang isaalang alang para sa iisang hangarin, ngunit mayroon ding mga nagtatagumpay sa pagbalanse ng dalawa.
Kagaya ng parehong atleta na sina Kiefer Ravena at Bea De leon na patuloy na nagpapakita ng masigasig na pagmamahalan sa gitna ng kanilang kaniya kaniyang larangan.
Mayroon din namang mga magkalayo ang mundo pero pinipilit parin pagtagpuin ng tadhana. Mga taong nakahanap ng pag-ibig sa labas ng kanilang mundo, tulad nila Hidilyn Diaz at Julius Naranjo. Si Naranjo na dati ding weightlifter ay hindi lamang naging coach ni Diaz, siya din ay naging lakas sa harap ng matinding pagsubok. Subalit gaya nating lahat ang mga pangarap ng isang Atleta ay maaring humingi ng sobrang oras o dedikasyon na maaring maging sanhi ng di pagkakaintindihan at hidwaan. At sa ganitong mga pagkakataon hindi lahat ay nakakasabay sa agos ng mga hamon, may ilan na bumibitaw at hindi kinakaya ang bigat ng laban.
โMemorable yun. Hindi ko makakalimutan yun. Maganda isabay sya sa wedding namin kasi memorable rin ito.โ Ani ni Hidilyn Diaz isang Olympic Gold Medalis
"Forever ko makakasama siya. Siyang napili ko habang buhay. Gaya ng Olympics, naging part siya ng buhay ko." dagdag pa niya.
Subalit sa dulo ng bawat pagsubok laging mayroong liwanag, mga kwentong patuloy na nagpapapantag sa ating dibdib na dala ng tunay na pagmamahal. Para kay Kianna Dy, isa sa mga pinakamahusay na manlalaro ng Volleyball sa bansa, malaking bagay ang suportang natatanggap niya sa kanyang kasintahan na si Dwight Ramos isa ring propesyonal na atleta. Ang pagkakaroon ng isang taong naniniwala sayong kakayahan ay nakapagbibigay ng dagdag na kumpyansa. Ang mga sandaling kasama ang isang mahal sa buhay ay nagiging pahinga mula sa bigat ng pakikipag kumpetensiya. Sa mundo na puno ng laban at poot, nagiging sandalan ang pag-ibig. Nagbibigay ito ng tapag at pagpapaalala na hindi lamang medalya at tropeya ang sukatan ng tagumpay sa buhay.
Sa gitna ng kanilang hinaharap ngayon na โlong-distance relationshipโ patuloy nilang pinapatunayan ang tatag ng kanilang relasyon. Isang walang katapusang dedikasyong upang maipagpatuloy ang kanilang nasimulan, at patuloy na tahakin ang pagmamahal sa gitna ng malayong distansiya. Dahil minsan hindi sa kilometro masusukat ang antas ng pag-ibig, kundi sa katapangan na sumubok at tiwalang hindi matitibag ng ano man na pagsubok.
Sa isang mundo ng kompetisyon madalas pwedeng mawalan ng direksiyon ang isang atleta. Ngunit sa tuwing tinitingala sila at makikita ang mga mata ng kanilang mga minamahal na nag-aalok ng walang katapusang tiwala at pagmamahal, hindi mo maiiwasang magimbal sa mga bagay na kayang iaalay ng pagmamahal na sumusubok at nagsisikap.
Ang pagmamahal sa isang kabiyak ay di lamang nagiging bahagi ng personal na buhay ng isang atleta. Mga pangarap na sa una ay tila imposibleng abutin, ay nagiging mas malapit kapag kasama ang isang taong handang magsakripisyo at maglakbay kasama ka. Minsan, ang mga yakap at sa pag-alalay ng minamahal sa bawat hakbang ng iyong tinatahak ay sapat na para sa mundong magulo at puno ng hirap.
Comments