top of page

๐—Ÿ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ฆ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฐ๐—ธ: ๐—ฆ๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ป ๐—บ๐—ผ ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ผ ๐—ฝ๐—น๐—ฒ๐—ฎ๐˜€๐—ฒโ€ฆ ๐— ๐—ฎ๐˜† ๐—ฏ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ธ๐—ผ ๐—ฑ๐—ถ๐˜๐—ผ

  • Writer: theoraclejourn
    theoraclejourn
  • Feb 19
  • 3 min read

Report by Cenon Pineda | Comics by Angel Chogyomon


Kung may matutunan man tayong bagay mula sa modernong panliligaw, ito ay ang di maalintanang katotohanan na ang bente pesos ay pwede kang dalhin sa isang matamis na pag-ibig o kwek-kwek. Sa gitna ng sistematikong pagmamahalan kuno na nabubuo sa internet at walang katapusang โ€œayoko muna mag-aaral muna akoโ€. Isang maginoo ang pumatol sa pagsubok at handang tanggapin ang hamon sa pamamagitan lamang ng lakas ng loob. G.E mula sa AB Psychology - 2A ay naglahad ng mga kwentong panliligaw nang may konting tiyaga at saktong bente pesos sa bulsa.


Paano ka magpapapansin?


Sa dinamidami ng mga lalaking matipuno at may mapormang suot na agad nag- iistory sa Facebook ng kanilang magarbong Macbook at kape paano ka nga ba makapagpapakita ng motibo? Simple lang โ€œMaging magaling sa klaseโ€ ani ni Enriquez sabay tawaโ€ฆ Subalit ano ang gagawin mo kung sadyang hindi ka naman talaga niya gusto kahit matalino ka; โ€œAno, hmmm hanap ka nalang ng ibang target? O kaya naman dito mo na kailangang ilabas ang mala kamandag na kapangyarihan ng bente pesos, bili ka lang pagkain ilibre mo siya, at sa mga simple at maliliit na bagay maari mo ng makuha ang kanyang atensiyon. Marahil maraming bagay ang pwedeng gawin ng pera, subalit sa larangan ng panliligaw higit na mahalaga ang pagiging totoo sa iyong mga nararamdaman. Ipakita ang tunay na saloobin at manatiling tapat sa iyong adhikain na makuha ang kanyang matamis na oo.


Sa mga ganitong paraan tanging lakas ng loob ang iyong kailangan para magpatuloy mula sa mala nobelang romansa na inaasam ng lahatโ€ฆ


Pag nag-tampo siyaโ€ฆ Game over naba?


Kapag nasa ganitong aspeto kana kailangan mong mag dahan dahan sa mga desisyon na gagawin mo. Sapagkat ang maliit na pagkakamali, ay maaring magdala sa relasyon niyo ng konting di pagkakaunwaan. Kaya ang pinaka mabisang paraan โ€œHindi ako magaling sa salita, maliit na surpresa lang - pagbisita bigla, paboritong pagkain sabay sabi ng โ€œbati na tayo babyโ€


Isang patunay na hindi kailangan ng fireworks, tsokolate, at bulaklak. Minsan kailangan mo lang bumili ng kwek-kwek at magpabalot ng paboritong sawsawan. Masarap na at mura pa, para sa kanya ang pagmamahal ay hindi sukatan ng presyo ng binili kundi ang hirap at pagsisikap na itutuon mo para makuha ang kanyang loob. Ang mahalaga nawala ang tampo at kasama mo siyang ngumunguya ng kwek-kwek sa dulo.


Uso pa ba ang Harana?


Sa panahon ng Spotify playlists, buhay pa ba ang Harana? Para sa kanya, oo naman. โ€œTimelessโ€ aniya, sabay dagdag โ€œKailangan ng lakas ng loob, lalo na kung sintonadoโ€ Ang harana para sa kanya ay isang pagsubok ng tapang at pagiging totooโ€ฆ Subalit isang paalala ang kanyang iniwan: โ€œBasta marunong tayong tumanggap ng oo at hindi.โ€ Hindi ito tungkol sa pagiging cheesy; itoโ€™y tungkol sa pagiging maginoo at makatotohanan sa iyong nararamdaman - kahit medyo off-key.


Subalit mukhang kahit anong tapang tila hindi mo lubos na matatanggal ang tiyansa ng pagka-basted, kaya ang pinaka mabisang paraanโ€ฆ


โ€œRerespetuhin ko ang desisyon niyaโ€ subalit hindi diyan natatapos dagdag niya โ€œmangungulit pa rin akoโ€. Ang kailangan lang perpektong kombinasyon ng dalawa, kung gusto mo subukan mo parin dahil baka sa ganong paraan mapapabago mo ang kanyang isip,Subalit alalahanin na mahalagang alamin ang limitasyon mo, siguraduhin na sa bawat kilos ay nirerespeto mo parin ang oras niya at seguridad. Kung baga, sa labanan ng ligawan siya yung tipo na hindi mabilis sumuko, pero kung talagang wala nang pag-asa, ang importante nakatikim ka ng kwek-kwek kasama siya.


Bente Pesos Date: Revolutionary Desperado


Sa dami ng tanong ito ang pinaka bumabagabag kay Gio, โ€œPaano mo gagastusin ang bente pesos, para sa isang dateโ€ Ang sagot niya? โ€œDiretso sa kwek-kwekan, lahat ng bente sayo naโ€ Sabi niya na tila isang martir. Sa panahon ng mga mahal na kapehan at milk tea isang rebolusyonaryong konsepto ito. Kasi bakit ka nga ba naman gagastos ng malaki kung masaya naman kayo sa simpleng bagay?


At kung pumasok sa isip niyong kulang ang pagsisikap niya, meron siyang iniwan na pangako: โ€œ kung inaya man kita mag date, ibig sabihin nangako na ako sayo na magsusumikap para sa maginhawang kinabukusan para sa susunod bente mil na ang budgetโ€ Boom! Plot twist, ang dating kwek-kwek enthusiast ay magiging CEO mo pala. Kaya kung naghahanap ka ng taong masasandalan at totoo yung nararamdaman, hintayin mo ang unang maglilibre sayo ng kwek-kwekโ€ฆ

ย 
ย 
ย 

Comments


bottom of page