top of page
Writer's picturetheoraclejourn

Umali, kinatawan ang CASS sa Pagbuo ng Poster sa Buwan ng Wika 2024

Ulat ni Jayane Leslie Feliciano | Kuha ni Leanna Kaylee Manuel


Nakipagpaligsahan ang pambato ng Kolehiyo ng Sining at Agham Panlipunan na si Joaquin Umali, Patnugot sa Agham at Teknolohiya ng The Oracle, sa patimpalak na Pagbuo ng Poster para sa Buwan ng Wika 2024, na ginanap sa EB 207 ng Tarlac State University Engineering Building kahapon, ika- 27 ng Agosto. 

 

Gumuhit ang mga kalahok ayon sa temang "Ang Wikang Pilipino Bilang Kasangkapan ng Kalayaan ng Bayan." 

 

Ibinahagi ni Umali ang kaniyang kawalan ng kumpyansa sa sarili dulot ng pagkagahol sa oras. 

 

"Sa time, very congested siya. Like, kahit inextend siya, ang hirap habulin ng time. Lalo na ten minutes late ako dahil mali yung nabiling cartolina," paliwanag ni Umali. 

 

Maliban dito, sinabi ni Umali na ito lamang ang muli niyang pagbabalik sa pakikilahok sa isang paligsahan sa pagbuo ng poster mula noong siya ay nasa ika-11 na baitang. 

 

"Kasi, itong poster making for experience siya. Parang, comeback ganon," ani Umali nang siya ay tanungin ukol sa kaniyang kumpyansa sa pagsungkit ng tagumpay sa patimpalak. 

 

Ayon pa kay Umali, Isa ring dahilan ng kaniyang pagsali sa Buwan ng Wika 2024 ay ang personal na hilig nito sa sining. 

 

"Parang calling...syempre, for representing our college. Para saan pa ba ang College of Arts and Social Sciences kung walang sining?" dagdag niya. 

 

Sa kabila ng kakulangan sa oras, tindi ng mga kapwang kalahok, at init ng lugar ng patimpalak, ibinahagi ni Umali ang kaniyang kasiyahan sa pagsali. 

 

"Very happy naman [ako]. Na-experience ko ulit lumaban ng poster making and such, plus…I think abangan niyo nalang next year. Nasa spoken na ako next year!" aniya. 

 

Ang mga patimpalak sa Buwan ng Wika 2024 ay pinangungunahan ng Tanggapan ng Kultura, Sining, at mga Wika ng TSU 

 

Kasama ang paligsahang Pagbuo ng Poster sa mga patimpalak na idinaos sa unang araw ng Buwan ng Wika 2024 sa unibersidad, kabilang ang Pagguhit ng Slogan at Pagsulat ng Sanaysay. 

 

Comments


bottom of page