Five-Day Rule: Paano Kumalimot ng Krimen (Sabungero Edition)
- theoraclejourn
- Jul 25
- 4 min read

Report by Cenon Pineda | Graphics by Mandie Asejo | Layout by Nikka Gutierrez
Dalawamput apat... Tatlumput apat... Di ko na rin sigurado, teka trenta'y kwatro! Pero di ito mga numerong dapat ninyong tayain sa lotto, ito ang mga kaluluwang nilamon ng isang sistemang may sabwatan ng kapangyarihan, pera, at katahimikan. Pero, sa daming nagaganap ngayon meron pa ba tayong oras sa isyu na ito? Lalo na kung ang memorya ng tao ay mabilis pang mawala kesa sa pag kurap ng ating mga mata.
Sapagkat ang pagkawala ng tatlumput apat na taong ito ay di lamang senyales ng krimen; ito'y salamin ng lipunang sanay lumigoy sa unti-unting pagkalimot at sinanay nang makibahagi sa panandaliang pag-alala.
Subalit masyado na yata tayong napapalalim, idinadaan sa masinsinang usapan yan ang kahinaan ng bayan, kaya para mas madaling isubo ang katotohanan. Hayaan ninyong nguyain ko na ang ating magiging kapalaran para tuluyang, mapaloob sa ating mga tiyan ang dilim at kapighatian na haharapin ng ating lipunan.
Halina't talakayin ang limang araw na paglalakbay bago tuluyang kalimutan ng sistema kasabay ng masa ang kapighatiang dulot ng mga krimen sa bansa...
Unang Araw: Mag-ingay ng Bongga, Tas kalimutan mo nalang agad
Simulan mo na yan syempre sa pagbukas ng Facebook, sabay post ng "Justice for the 34" o kaya'y "Saan na ang Gobyerno" – kasabay ng malungkot na emoji. Ramdam mo na ang dulot ng galit at puot kaso may bagong naghiwalay na mag syota online kaya sino pang may pake kung sino yung mga namatay diba?
Kung ang galit ay may expiration date, ito'y sa araw ng bagong tsismis. Hindi masama ang maglabas ng damdamin online, pero hindi rin ito sapat, kung mananatili lamang tayong panandalian sa laban, mas lalo lang lumalalim ang butas ng kawalang-hustisya. Ang sistema ay sanay na sa ingay – dahil alam nating lilipas lang ito, gaya ng lahat ng dumadaan sa feed mo.
Kaya para dika na mahirapan mag stalk, eto na yung memory notification para sa kasong ilang taon na nilang binaon sa limot. Ayon sa testigo alias "Totoy":
"Ah, Wala po akong masagot diyan... Mukhang malabo po na buhay pa sila"
Habang dumadaloy ang mga isyu sa kasalukuyan, merong pamilya na maaring di makatulog ng ilang taon, subalit sa panahon na mababa na talaga ang pagkalap ng impormasyon at atensyon mananatili na lamang sigurong limang araw ang kapasidad ng ating paglaban sa katwiran at batas.
Ikalawang Araw: Magtiwala sa Proseso (Kahit wala namang nagsimula)
Ang sarap pakinggan ng salitang "proseso" lalo na't pag meron talaganag nagagawa na aksiyon, pero kapag umabot na ng taon ang nag-iisang krimen at lalo lang itong lumalala. Mapapatanong ka nalang kung di kaya't ang nanghuhuli sa dapat hinuhuli ay kapwa niya rin manghuhuli. Huii kriminal pero may chapa at naka uniporme, mayaman kaya mahirap masakote. Impormal ba ang pagkakaakda? Matagal ng iniwan nang kanilang sentido ang mga pusakal, kaya ang paglalahad na lamang ng katotohanan na walang pinapakitang maskara ang natatanging paraan.
"Hindi kami titigil hangga't may hustisya."
- Pahayag ng PNP Chief noong 2022.
Subalit tatlong taon na ang nakakalipas, kumusta na po?
Surpressing accountability using bureaucratic jargon is nothing new. Sinasabi ng DOJ na pinag-aaralan pa raw ang testimonya ng whistleblower — pero hanggang kailan?
Justice Secretart Remulla:
"Case buildup 'yan; hindi naman basta - bastang paglabas ng testigo, ito na 'yung korte"
Kung mawawala ang bunga ng bawat proseso, saan tayo pupunta? Sa dulo ng sistemang nagpapalampas ng katahimikan para protektakahan ang makapangyarihan?
Ikatlong Araw: Itutok ang Ilaw... Pero sa ibang bahagi
Habang mas nasisinagan ng social media ang mga bagong balita sa showbiz at ang isyu ng BINI tila ang kaso ay mas lalo pang naibaon sa limot. Ang Department of Justice at NBI ay tila mga karakter sa isang slow burn romcom movie. Minsan may update, minsan wala. May sinasabi pero walang sinasagot. Ayon sa mga ulat, may mga isinangkot na pulis sa krimen, pero hanggang ngayon wala pang nahahatulan.
Lumutang si Totoy sa Hunyo 2025, na nagpapakilala bilang testigo sa kaso. Inilatag niya ang bibigkas ng katotohanan:
"Mukahang malabo na silang buhay pa... Killed softly... Strangled using tired wire... Buried sa Taal lake."
Ang kanyang salita ay hukay ng mga imposibleng balita; ngunit kahit may testigo, tila hindi sapat para wasakin ang katahimikan ng proseso.
Ika-Apat na Araw: Mga Sindikato At Sistema sa likod ng E-Sabong
Ayon sa pahayag ni Remulla (Hulyo 2025):
"Alpha, Bravo, Charlie, Delta groups... Tiered ayon sa income stream nito... They are powerful enough to reach even courts."
Pinapakita rito ang isang istrukturang sistema ng sindikatong may impluwensiya sa pulis, korte, at politika. Ang lokasyon ay di na rin mahalaga lalo na kung ang sangkot ay may kakayahang impluwensiyahan ang proseso. Tila ba na ang mga pangalan ng sabungero ay tinanggap na lamang sa talaan ng pangalan, pero pilit pa rin na nawawala ang pagkakakilanlan at karapatan dahil sa isang walang awang istruktura na kanilang binuo.
Ika-limang Araw: Ang Pagkalimot ng Bayan
Kahit patuloy pa rin ang underwater operations sa Taal Lake na sinusuportahan ng Navy SEAL, DOST, at Philippine Cosst guard, bakit tila walang sumasang-ayon sa pagpapalawak ng publikong pagsubaybay?
Sa loob ng limang araw, nasasalamin ang sistema ng lipunan: mabilis sumigaw, mabilis kalimutan; may testigo, may kwento, pero tahimik ang tugon. Ang mga sabungero—mga pangalan, mga pamilya—ay naging misteryo na may pangakong katarungan ngunit may sistema na syang nagpapatigil.
Sa isang mundong mabilis kumalimot ang tanong ay simple lang: Sa susunod na may mawawala: ilang araw bago tayo muling manahimik?
Comments