Ulat nina Ellyza Jane Gutierrez ay Antonio Joaquin Umali | Larawang kuha ni Josephine Marie Magday
Nagpakitang gilas ang mga pambato ng Kolehiyo ng Sining at Agham Panlipunan na sina Mandie Asejo at Nicole Gail Rosete sa mga patimpalak na idinaos para sa ikatlo at huling araw ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa Engineering AVR ngayong ika-29 ng Agosto, 2024.
Itinanghal na kampeon si Asejo, Patnugot sa Komunikasyong Pangkaunlaran ng The Oracle, sa Spoken Poetry habang nag-uwi naman si Rosete ng ika-apat na gantimpala sa Pagkukwentoโdalawa sa mga kompetisyong pinangasiwaan ng Tanggapan ng Kultura, Sining, at mga Wika ng TSU.
Malugod na ipinahayag ni Asejo ang kaniyang pasasalamat at kagalakan sa piyesang kaniyang ibinida at ibinahagi rin nito ang linyang nais niyang tumatak sa mga madla.
โThankful naman ako kasi na-deliver ko โyung piece ko, although mayroon akong nakalimutan, pero nakapag-impromptu naman ako agad,โ saad nito.
โโYung linyang gusto kong tumatak sa mga nakaririnig ayโฆโyung inulit ko sa last. โSubalit akoโy naghintay, nagbantay sa iyong muling pagbabalik,โโ dagdag niya.
Samantala, inilahad ni Rosete ang kaniyang pakiramdam nang tumapak ito sa entablado upang irepresenta ang kolehiyo, at ibinunyag na ito ang kanyang unang pagkakataong sumabak sa ganitong klase ng patimpalak.
โNoong nasa harap na ako, parang nablangko po ako. Forte ko po kasi ay spoken poetryโฆ Siguro bago ako sumalang, i-practice ko siya nang i-practice sa harap ng tao,โ ani Rosete.
Sa gabay ng CASS Cultural Director Daniel Dizon, matagumpay na naipamalas ng mga kandidato ang kanilang talento at kakahayan upang maisabuhay ang temang โFilipino, Wikang Mapagpalaya.โ
Kabilang sa mga kawaksing Dekano at Dekana ay ang Associate Dean ng CASS, Dr. Raffy Aganon, Institutional Student Programs and Services Unit Head, Dr. Dexter Manzano, at Dr. Elizabeth Balanquit ng Kolehiyo ng Edukasyon.
Ang mga kandidatong nagwaging kampeon ay magiging kinatawan ng unibersidad sa nalalapit na panlalawigang patimpalak na Culture and the Arts Association of State Universities and Colleges in Region III (CAASUC III) 2024.
Comments