Ulat ni Ryza Reign Dizon | Kuha ni Wacky Dimyao
Matagumpay na isinagawa ang patimpalak sa Pagsulat ng Sanaysay na inorganisa ng Buklod Diwa at Tanggapan ng Kultura, Sining, at mga Wika na muling inirepresenta ni Clarise Dacanay mula sa Kolehiyo ng Sining at Agham Panlipunan (CASS) kahapon, ika-27 ng Agosto, sa CET AVR ng Engineering Building.
Ayon kay Dacanay, naging mas madali para sa kanya ang pagsulat ng sanaysay sa taong ito dahil sa paksa na inihanda ng para sa patimpalak.
"Noong nakaraang taon, diretso ako mula sa council work papunta sa kompetisyon, kaya wala akong tulog dahil sa preparasyon para sa CASSALUBONG, kaya nahirapan ako sa pagbuo ng konsepto. Pero ngayon, nagustuhan ko ang paksa dahil malaya ako at bilang isang Communication Major, forte ko ang paglaban sa misinformation, kaya nag-enjoy ako," aniya.
Ibinahagi rin ni Dacanay ang konsepto ng kanyang sanaysay, na tinutukoy ang digmaan kung saan ang katotohanan ang itinuturing na bayani.
"Ang konsepto ko ay parang nasa digmaan, at ang bayani dito ay ang katotohanan. Isinulat ko na sa digmaang ito, isa lamang ang sigurado, ang katotohanan, at ikaw ang isa sa mga sandata ko," pahayag ni Dacanay.
Sa kasalukuyan, wala pang opisyal na resulta ang nasabing patimpalak na ito. Sundan ang mga balita para sa opisyal na resulta.
Comments