top of page
Writer's picturetheoraclejourn

๐’๐๐Ž๐‘๐“๐’ ๐๐„๐–๐’ | ๐—ฃ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น๐˜†๐—บ๐—ฝ๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐˜€, ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฐ ๐—™๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น๐˜†๐—บ๐—ฝ๐—ถ๐—ฐ๐˜€

Ulat ni Alelie Jade Mallariย | Layout by Angilene Dableo | Photo credits to the rightful owner


Sa muling pagbubukas ng world stage para sa sports, muling ipinakita ng mga Pilipinong kalahok sa Paralympics ang kanilang tunay na gilas, lakas at determinasiyon bilang mga kinatawan ng bansa sa 2024 Paris Paralympics na nagsimula noong Huwebes, ika-29 ng Agosto, 2024, sa Paris, France.


Pinakilala ang anim na manlalaro na magsisilbing kinakatawan ng bansa sa apat na kategorya ng isports para sa Paralympics 2024 na kung saan nagsilbing flag-bearers ang swimmer na si Erwin Galiwan at archer Agustina Bantiloc sa Place de la Concorde at Champ Elysees sa parehong araw.


Ang mga manlalahok na naipakilala ay sina Agustina Bantiloc para sa archery, Jerrold Mangliwan sa athletics (wheelchair racing), Allain Ganapin sa taekwondo, Ernie Galiwan at Angel Otom sa swimming, at Cendy Asusano sa athletics (javelin throw).


Ayon sa Philippine Sports Commission Chairman na si Richard Bachmann sa kaniyang interbyu sa ilalim ng ABS-CBN News, ito ang pinakamalaking pangkat ng manlalahok na naipadala ng bansa para sa Paralympics Games mula noong 2012.


โ€œThis is going to be the biggest squad we can send in the Paralympic Games after 12 years.โ€ pahayag niโ€ฏBachmann.


โ€œThe Filipinos are more than excited to see your abilities shining on the international stage,โ€ dagdag pa niya.


Ang nagsisilbing panimula ng Pilipinas ay ang pagpana ni Agustina Bantiloc sa women's individual compound open round 16, kung saan nagtamo ng 127 na iskor na ginanap noong ika-29 ng Agosto.


Sunod naman na makikipagtagisan ang Asian Para Games gold medalist na si Jerrold Manglingwan sa first heat ng menโ€™s 400 meters T52 heats kung saan nasungkit ang pang walong puwesto.


Pagtapos nito ang pagsabak ng taekwondo jin na si Allain Ganapin at swimmer Ernie Galiwan sa ngayong araw, Agosto 31, 2024 sa larangan ng menโ€™s 80-kilogram K44, alaskwatro ng hapon sa oras Pilipinas para kay Ganapin at first heat ng menโ€™s individual medley SM7, 5:20 ng hapon sa Pilipinas naman para sa paglangoy ni Galiwan.


Binibigyang pagpapahalaga ng bawat Pilipinong manlalahok ng Paralympics 2024 ang kanilang laro sa matinding pagnanais na dagdagan ang dalawang natatanging all-time bronze medals na nasungkit nina Adeline Dumapong sa Powerlifting na ginanap noong 2000 sa Sydney at Josephine Medina sa larangan ng Table Tennis, 2016 Rio de Janeiro.


Sa kabila nito, hindi rin matigil ang pagsuporta ng mga Pilipino para sa mga kinakatawan ng Pilipinas.


โ€œIโ€™m sure our para-athletes will do their best and letโ€™s all hope and pray for their success, [as they] make our country proud,โ€™โ€™ saad ng Philippine Paralympic Committee president na si Michael Barredo.


โ€œSana suportahan pa rin sila. Dadalhin nila ang bandila ng Pilipinas,โ€ giit rin ni Carlo Paalam, Silver medalist ng Tokyo Olympics.


Saludo para sa mga Atletang Pilipino ng Paralympics 2024.

Comments


bottom of page