Philippine Volcanoes nagkamit ng makasaysayang kampeonato sa 2025 Unions Cup
- theoraclejourn
- Jul 21
- 2 min read

Report by Maria Kazzandra Melegrito / Photo credit to Rugby Asia 24/7 / Layout by Angilene Dableo
Matagumpay na nasungkit ng Philippine Volcanoes ang kampeonato sa Thriumphant Rugby Return 2025 Union Cup kontra Thailand sa pang-wakas puntos na 23-6, na ginanap sa Kaohsiung National Stadium, Taiwan noong Sabado, Hulyo 12, 2025.
Ito ang kauna-unahang pagkakataong nakapaglaro ang koponan sa Unions Cup na marka ng makasaysayan nilang pagkapanalo.
Sa panayam ng tagapag-sanay ng Philippine Volcanoes na si Josh Sutcliffe sa Rugby Asia 247, ibinahagi niya ang mga naging karanasan sa Philippine National Rugby Union team.
“To be able to form a bond, first by Zoom, and then have everyone fly in and meet here and only have three days of (disrupted) training and win – that’s pretty incredible for me... I am very proud of that,” ani Sutcliffe.
Nagsimula ang matinding labanan ng koponan na umabot sa 15 minuto nang walang puntos, hanggang sa binasag ni Ned Ralph Plarizan Stephenson at matagumpay na nakuha ang unang puntos at sinundan ng penalty kick ni Kai Kristian Ledesma Stroem.
Nanguna ang pangkat ng Pilipinas sa unang kalahating oras na may 8-3 linya ng puntos.
“These boys were desperate to play. We knew that when we put them in, we told them they had to make an impact, and it was intended to change the speed and tempo of the game,” dagdag ni Sutcliffe.
Sa karagdagan, ibinahagi rin nito ang layuning palawakin ang suporta upang makapagbigay ng pantay na oportunidad para sa lahat ng manlalaro.
“Our hope is that sponsors want to help us out. Our players self-funded this trip and paid for their time here, and for their flights over. We just want to make sure more players get the opportunity to play, not just the ones who can afford it,” pahayag nito.
Nanguna ang Pilipinas sa titulo na sinundan naman ng Thailand, Chinese Taipei, at ng Singapore Rugby.
Nakatakdang gaganapin ang susunod na 2026 Unions Cup sa Thailand.
Comments