top of page
Writer's picturetheoraclejourn

๐’๐๐Ž๐‘๐“๐’ ๐Ž๐๐ˆ๐๐ˆ๐Ž๐ | ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ผ๐˜† ๐—บ๐—ฎ๐—ฃ๐—ฟ๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ: ๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป

Report by Jayane Leslie Feliciano | Cartoon by Wacky Dimyao | Layout by Julyanna Lyde Denise Bautista


Hindi nagkukulang ang mga Pilipinong mamamayan sa kanilang pagmamahal at pagsuporta sa larangan ng isports, lalo na sa usaping "bolaโ€. Subalit, higit na nagkukulang ang mga ito sa kanilang bokabularyo kung saan ang laman lamang ng kanilang mga diksyunaryo ay basketball, volleyball, boxing at iba pang karaniwang palakasan. Ang paraan lamang upang mapalawak ang kanilang kaalaman ay kung mayroong mga atleta na umuwing matagumpay sa Pilipinas bitbit ang nakasabit na medalya sa kanilang leeg o kaya namaโ€™y mayroong Pilipino na tinaguriang isang dalubhasang alamat na kilala ng buong mundo sa isports na kaniyang sinasalihan.


Hanggaโ€™t hindi bibigyan ng pagkakataon ang mga ito upang ipagmalaki ang kanilang dugong pagka-Pilipino, ang mga isports na hindi lubusang kilala ay hindi na kailanman makikilala pa.


Sa kamakailan lamang na Paris Olympics 2024, lubos na nagbigay ng karangalan ang โ€˜Filipino Prideโ€™ nang mag-viral sa social media at mapabilang sa mga pangunahing balita ang pangalan ni Carlos Yulo, na siyang unang Pilipino na nagwagi ng dalawang gintong medalya sa larangan ng Floor Exercises at Vault sa Men's Gymnastics.


Dagdag pa rito, ang tagumpay ni Yulo sa gymnastics ay sumunod lamang sa kauna-unahang makasaysayang gintong medalya ng Pilipinas sa Tokyo Olympics na nakamit ni Hidilyn Diaz sa 55kg Division ng Womenโ€™s Weightlifting noong 2020, kung saan narinig ang awit ng Lupang Hinirang sa isang Olympics sa kauna-unahang pagkakataon.


Hindi lamang nagkakapareho ang kuwento nina Yulo at Diaz sa kulay ng medalya na inialay nila sa pangalan ng Pilipinas; ang kanilang pakikilahok sa mga hindi pangkaraniwang palakasan ayon sa "gender norms" ng lipunan ay nagbigay inspirasyon at nagbago ng pananaw na hindi nalilimitahan ang mga nag-aasam na atleta sa Pilipinas sa mga larangan na kanilang pinipili dahil lamang sa kanilang kasarian.


Samakatuwid, ang mga hindi kilalang isports tulad ng gymnastics at weightlifting ay biglang umangat sa kasikatan at nakasabay sa lumalakas na suporta ng mga Pilipino dahil sa mga pangalan na nagbigay-diin sa mga palakasang ito.


Sa katunayan, mayroon nang mga naunang tagumpay ang bansa sa dalawang isports na ito bago ang makasaysayang Paris at Tokyo Olympics. Sa gymnastics, nakakuha ang bansa ng kabuuang 47 medalya mula sa mga internasyonal na patimpalak mula 2015 hanggang 2022, kung saan si Yulo ay may hawak na 24 sa kabuuang bilang. Sa kabilang banda, may tala naman na 10 medalya ang Pilipinas sa weightlifting mula 2015, kung saan 40% ng mga ito ay nakapangalan kay Diaz.


Sa kabila ng tagumpay nina Yulo, Diaz, at iba pang mga atleta na nagdadala ng karangalan sa bansa, hindi kasing-init ang pagtanggap at pagpapalawak ng kaalaman ng mga Pilipino ukol sa mga isports na ito tulad ng nangyari sa dalawang Olympics.


Sa kaso ng mga di-sikat na isports, kinakailangan ng โ€˜maalamatโ€™ na pangyayari upang mapansin ng mga Pilipino ang mga ito.


Sumusunod din sa katulad na daloy ang ibang mga sikat na palakasan sa pambansang konteksto ng Pilipinas, tulad ng boxing. Ito ay dahil ang pangalan ni Emmanuel โ€˜Mannyโ€™ Pacquiao ay lubos na nakatatak hindi lamang sa isip ng mga Pilipino kundi sa kasaysayan ng buong mundo dahil sa kaniyang pagiging kauna-unahang eight-division world champion. Sa gayon, hindi na nakakapagtaka kung bakit laganap at mainit ang pagkasabik ng mga Pilipino sa larangan ng boxing, sa panonood at pakikilahok.


Hindi kailanman masama o kahiya-hiya ang katotohanan na nagiging sikat ang ibang mga palakasan dahil sa mga pangalan ng mga atletang nagbuwis ng oras, dugo, at pawis, o nakaranas ng panahon ng tagtuyoโ€™t sa kanilang sariling bulsa upang makatungtong sa podium kung saan sila ngayon nakatayo. Sa halip, nararapat lamang silang bigyan ng karangalan sa kanilang serbisyo at pagpupunyagi.


Para sa mga atletang tulad nina Yulo, Diaz, at Pacquiao, na lumaki sa isang bansa na ang kahirapan ay bahagi na ng kanilang buhay, ang kanilang mga kuwento ay talagang makakaantig sa puso ng kanilang mga kapwa Pilipino na nasa kaparehong sitwasyon. Kaya naman, nakakahanap din ng pag-asa ang mga atleta na nagsimula lamang sa isang pangarap at ngayon ay tinuturing na mga alamat.


Ngunit hindi natin maaaring hintayin lamang ang pagdating ng mga maalamat na atletang ito. Hindi sila kusang lilitaw hanggaโ€™t hindi sila bibigyan ng pagkakataon na magsimula, at kung hindi palalawakin ang kaalaman ng bansa ukol sa mga palakasan na maaari nilang subukan mula sa simula.


Sa mga isports na hindi masyadong kilala, wala silang parehong pribilehiyo na nararanasan ng mga sikat na laro tulad ng basketball, kung saan ang mga oportunidad ay madalas nang matatagpuan sa kanilang mga paaralan, barangay, at kahit sa kanilang sariling tahanan. Mayroon nang matibay na pundasyon. Dagdag pa rito, sa mga laro tulad nito na nangangailangan ng tiyak na antas ng katangkaran, gaya ng ibang isports na hinihingi ang iba pang aspeto ng pisikal na kakayahan, may mga atletang mahihirapan na makisabay. Ngunit, ang kahinaan sa isang aspeto ay maaaring maging susi sa tagumpay sa ibang larangan.


Tulad na lamang sa kaso ng Paris Paralympics 2024 na kasalukuyang ginaganap mula Agosto hanggang Setyembre, kung saan ang mga atletang kabilang sa Persons with Disabilities (PWDs) ang bida sa bawat laro. Kung walang kaalaman ang mga tao ukol sa ganitong klase ng programa, hindi makararating ang balita at makikilahok ang mga pangunahing puntirya sa oportunidad na ito.


Ang kaalaman ng isang bansaโ€”gobyerno man o ordinaryong mamamayanโ€”ukol sa malawak na posibilidad sa larangan ng isports ang magiging daan upang mabigyan ng plataporma ang ating mga atleta na ipakita ang kanilang sariling lakas bilang mga indibidwal, at sa gayon, makapagtayo ng isang โ€œPilipinasโ€ na hindi lamang nakakulong sa maliit na bula na umiikot sa mga larong โ€œbola.โ€ Ito ang paraan upang makapagbigay ng pagkakataon sa pagbuo ng mga alamat.


Kung ang katayuan ng isang palakasan ay nakasalalay sa sikat na pangalan ng mga atletang lumalaban, ang bansa mismo ay hindi lamang dapat naghihintay sa resulta, kung hindi dapat ding magsimulang lumikha ng mga resultang nais nitong makita.


Iyon ang tunay na nagpapamalas ng โ€œPinoy Prideโ€โ€”ang pagkakaroon ng lakas ng loob at tiwala sa sariling mamamayan upang makilala ang mga oportunidad na makakapagpabago sa kanilang buhay.



Comments


bottom of page