top of page
Writer's picturetheoraclejourn

PHIVOLCS, nagbabala matapos muling pumutok ang Bulkang Taal

Report by Lexter Kian Pamintuan | Layout by Angilene Dableo | Photos credits to ABS-CBN News and Edmundo Cuadro Jr.


Inanunsyo ng Philippines Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang alert level 1 sa mga lugar malapit sa Bulkang Taal dulot ng pagsabog nitong Hapon ng Miyerkules, ika-2 ng Oktubre.


Ayon sa PHIVOLCS, ang alert level 1 ay hindi gaanong mapaminsala, ngunit kinakailangan na manatiling maingat ang mga residente na malapit sa nasasakupan ng Bulkang Taal sa Batangas.


Naglabas ang bulkan ng mahigit na 2,532 toneladang mainit na volcanic fluid sa Main Crater lake, mung saan sinabayan ito ng malakas na singaw.


Bago pa lamang ang pagpaparamdam ng bulkan ay nagkaroon na ng 6 volcanic tremors ang PHIVOLCS, kung saan ay nagreresulta ito ng pag-usok na may sa taas na 2,100 sa dakong Hilagang-silangan at silangan-hilagang-silangan ng bulkan.


Matatandaan na huling sumabog ang bulkan noong ika-12 ng Abril taong kasalukuyan, anim na buwan bago ang pag alburoto nito ngayong Oktubre.


Sa kasalukuyan, nananatili ang alert level 1 sa bulkan at lalong pinaghihigpitan ang turismo sa mga karatig na lugar at tuluyang ipagbawal ang pagpasok sa Isla.


Comments


bottom of page