top of page
Writer's picturetheoraclejourn

๐’๐‚๐ˆ๐„๐๐‚๐„ ๐“๐‡๐‘๐Ž๐–๐๐€๐‚๐Š | ๐—ฅ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ ๐˜๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ด๐˜€ ๐˜†๐—ผ๐˜‚ ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฒ๐—ฒ ๐—ผ๐—ป ๐—ฝ๐—ถ๐—ด ๐—™๐—ฎ๐—ฟ๐—บ


Report by Ryza Reign Dizon | Graphics by Angel Chogyomon | Layout by Jayane Leslie Feliciano


Alam nโ€™yo ba na mayroong isang biik ang umagaw nang pansin sa maraning tao noong July 25, 2021?


Ibinahagi ni Scott Eickman sa kaniyang TikTok accout ang bidyo ng isang bagong silang na biik, ito ay balot sa kumot bagaman may iisang katawan, mayroon itong apat na mata, dalawang bibig, at dalawang ilong.


Ang nasabing biik ay mayroong bihirang kondisyon na tinatawag na Polycephaly. Ang polycephaly ay ang kondisyon ng pagkakaroon ng higit sa isang ulo. Ang salitang ito ay nagmula sa mga salitang Griyego na poly na nangangahulugang โ€œmaramiโ€ at kephalฤ“ na ibig sabihin ay โ€œuloโ€.


โ€œNormally, the ones that Iโ€™ve ever seen, Iโ€™ve never seen them alive,โ€ sabi ni Eickman sa sumunod na video. โ€œTheyโ€™re always stillborn, but this one was alive so it was just something that I thought was interesting to see.โ€ Dagdag niya.


Ayon kay Eickman, namatay din ang baboy ilang sandali matapos kunan ang video. โ€œIt died of natural causes. I did not put it down,โ€ sabi niya.


ย Maraming teyoriya ang nagsasabi kung paano ito nangyare ngunit hindi pa rin malinaw ang totoong dahilan ng kakaibang kodisyon na ito. Sinabi ni Macdonald, โ€œWalang sinuman ang nakakaalam ng eksaktong mekanismo sa likod ng di-karaniwang paghihiwalay ng embryo.โ€ Ito rin ay hindi itinuturing na namamana, dahil madalas hindi nabubuhay ng sapat ang mga polycephalic na hayop para makapagpakalbo.


Bagaman ang polycephaly ay isang bihirang kondisyon, may ilang dokumentadong kaso sa mga baboy kabilang na ang kay Ditto noong 1998, na nabuhay hanggang sa siyam na buwan. Ipinaanak ito sa Iowa, binili si Ditto mula kina Scott at Vicki Vorwold sa halagang $5,000 ng Pigs Without Partners.


Idinala si Ditto mula sa Iowa papuntang California, kung saan naghihintay ng operasyon sa kanyang panga. Sinuotan ang baboy ng isang helmet upang protektahan ang kanyang ulo dahil sa neurological disorder na nagiging sanhi ng kanyang madalas na pagbagsak.


Ang ganitong uri ng mga pangyayari ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pag-aaral at pagsusuri ng mga natural na kaganapan. Ito rin ay nagbubukas ng mga oportunidad para sa mga siyentipiko upang mas maintindihan ang mga kakaibang kondisyon sa pamamagitan ng pag-aaral ng kagamitang genetic at pag-unawa sa proseso ng embriyolohiya.


Sa kabuuan, ang pagka-panganak ng bicephalic piglet ay hindi lamang nagdulot ng takot at pagtataka, kundi nagdala rin ng pagkakataon upang lalo pang makilala at maunawaan ang kagandahan at kakayahan ng kalikasan na patuloy na nagbibigay ng mga bagong aral at pananaw sa ating mundo.

------

contact us:


๐—ฉ๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ฎ๐˜€ โ€ข ๐—”๐—พ๐˜‚๐—ถ๐˜๐—ฎ๐˜€ โ€ข ๐—Ÿ๐—ถ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ฎ๐˜€

Comentรกrios


bottom of page