Text by Heziel Ann Pugoy | Graphics by Nikka Gutierrez | Layout by Joaquin Umali
Likas na sa mga Pilipino ang humanap ng mga alternatibo sa iba't-ibang bagay. Kasabay ng pag-usad ng henerasyon ay ang pagkakaroon ng mga makabagong alternatibo. Delikado man, ngunit napakarami pa rin ang hindi tumitigil sa paggamit ng sigarilyo. Ito ang patunay sa kasabihang โmasarap kahit bawal.โ Umusbong na rin ang vape bilang alternatibo sa sigarilyo dahil sa paniniwala na mas ligtas ito at mas maganda para sa kalusugan, ngunit sagot nga ba ito?
Ang vape ay isang elektronikong aparato na nagpapalit ng likido sa singaw na maaaring langhapin ng tao. Marami ang naniniwala na ito ay mas mabuting alternatibo kaysa sa tradisyonal na sigarilyo. Bagama't totoo na ang vape ay hindi naglalaman ng mga kemikal na mayroon ang sigarilyo, ngunit ito ay masama pa rin sa kalusugan ng tao at hindi ito pamaliti; ito ay mapanganib din.
Naglalaman ang vape ng mga kemikal na maaring magbigay pinsala sa kalusugan. Ayon sa Department of Health (DOH), ang nikotina sa isang vape ay katumbas ng 50 na sigarilyo na nagpapabilis sa pagkahumaling ng mga mamimili. Maaari itong magdulot ng mga pangmatagalang negatibong epekto sa paghubog ng kaisipan. Ang "vapor" o usok na lumalabas mula sa vape ay katulad din ng usok mula sa yosi at may masamang epekto sa ating kalusugan.
Sa pag-aaral na inilabas ng American Health Association, ang vape ay mayroong iba't-ibang kemikal gaya ๐ฟ๐๐๐๐๐ฉ๐ฎ๐ก, kemikal na nagdudulot ng cancer, at volatile organic compounds (VOCs) na matatagpuan sa mga gas na ibinubuga sa hanging galing sa mga produkto gaya ng vape na nakakasama sa baga. Noong 2019 rin ay kinompirma na ang sakit na dulot ng paggamit ng vape o e-cigarerte ito tinatawag na โ๐๐๐ผ๐๐" o โ๐-๐๐๐๐๐ง๐๐ฉ๐ฉ๐ ๐ค๐ง ๐ซ๐๐ฅ๐๐ฃ๐ ๐ช๐จ๐-๐๐จ๐จ๐ค๐๐๐๐ฉ๐๐ ๐ก๐ช๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐๐ช๐ง๐ฎ.โ
Batay sa Global State of Tobacco Harm Reduction (GSTHR) noong 2021, mayroong 2.7 na milyong Pilipino ang gumagamit ng vape na kung saan ito ay binubuo ng tatlong porsyento ng mga mamamayan na gumagamit ng vape sa buong mundo. Ayon rin sa Global Youth Tobacco Survey (GYTS), 14% o isa sa bawat pitong estudyante edad 13-15 ang gumagamit ng vape. Naitala na rin ang unang kaso ng pagkamatay sa Pilipinas nitong Mayo, taong kasalukuyan nang dahil sa paggamit ng vape, ayon sa DOH.
Hindi sagot ang pagkakaroon ng alternatibo upang makaiwas sa sigarilyo. Hindi ito mas maganda at ligtas. Ito ay walang pinagkaiba sa sigarilyo kung ikaw ay nahuhumaling dito. Marami rin itong sakit na maihahatid kung ito ay patuloy na gagamitin. Ang vape ay isang pinaganda at modernong bersyon ng sigarilyo.
Ang sigarilyo at vape ay parehas lamang nagdudulot ng sakit kung labis ang paggamit at nagdudulot ng adiksyon kung nakasanayan. Ang tanong, alin sa dalawang ito ang tunay na peligroso? Hindi baโt tao ang tunay na biktima rito dahil lingid sa kaalaman na ang kanilang buhay ay delikado.
Comments